Terms of Service
Huling update: 11 Oktubre 2026 · Swabe Spreadsheets
Ano ang binibili mo
Ang Swabe Costing (8-in-1, 15-in-1 at 22-in-1) ay isang Google Sheet na may built-in na app. Pagkatapos magbayad, kokopyahin mo ito sa sarili mong Google Drive mula sa vault. Kailangan ng libreng Google account. Gumagana lang ang app sa kopya mong iyon, at nasa Sheet mo ang data mo. Isang bayad ito, hindi software na naka-subscribe, hindi ito serbisyong accounting, at hindi kami accountant o tax agent mo.
Kung bumili ka ng Swabe Costing o Swabe Costing Buo bago ang 11 Oktubre 2026, Excel file (.xlsx) at Google Sheets na kopya ang binili mo, at mananatili iyon sa vault mo.
Kasama rin ang mga PDF guide, at ang mga add-on na .xlsx workbook kung kumuha ka ng Menu Board Maker o Catering Quote Kit. Ang mga add-on na iyon ay standalone at nai-import sa Google Sheets.
Lisensya
Isang bayad, habambuhay na gamit, para sa sariling negosyo mo. Kasama dito ang lahat ng branch o outlet na pag-aari mo.
Hindi mo pwedeng ibenta, ipamigay, i-upload sa ibang site, o i-resell ang file. Kung gagamitin mo ito bilang serbisyo para sa ibang negosyo na hindi sa'yo, mag-message ka muna sa amin.
Ano ang ginagawa at hindi ginagawa ng file
Kinukwenta ng file ang puhunan kada serving mula sa ini-type mong ingredients, at nagmumungkahi ng presyo mula sa target margin na ilalagay mo. Walang inventory tracking, walang POS, walang accounting, at walang BIR forms.
Ang laman ng shipped na PH Ingredient Library ay may petsa kung kailan huling na-verify. Hindi ito pahayag na iyon ang kasalukuyang presyo sa palengke mo. Ikaw ang maglalagay ng sarili mong presyo ng bili.
Hangganan ng pananagutan
Kasangkapan ang file. Ikaw pa rin ang may responsibilidad sa presyong ipapatong mo, sa mga numerong ita-type mo, at sa anumang desisyon sa negosyo na gagawin mo mula doon. Kung malaki o komplikado ang negosyo mo, kumonsulta sa lisensyadong accountant.
Ang pananagutan namin ay limitado sa halagang binayad mo para sa file.
Setup Service
Kung bumili ka ng Setup Service, isang tao ang mag-e-encode ng menu mo, hanggang 40 recipe, at may isang revision at isang tawag na 30 minuto. Kailangan namin ang listahan ng menu at ng presyo ng bili mo. Kung hindi ito maibigay, hindi matutuloy ang trabaho.
Pagbabago
Pwedeng magbago ang mga tuntuning ito. Ang bersyong nakalagay sa itaas ang umiiral sa petsa ng pagbili mo.
Contact
Mag-message ka sa page na binilhan mo. Sinasagot namin ang lahat.