Refund Policy
Huling update: 11 Oktubre 2026 · Swabe Spreadsheets
30 araw, at sa iyo pa rin ang files
Kung hindi bagay sa negosyo mo ang binili mo, mag-message ka sa loob ng 30 araw mula sa petsa ng bayad. Ibabalik namin ang buong bayad.
Ano ang natatanggap mo: ang Google Sheet ng package mo (kokopyahin mo sa sarili mong Drive) o ang mga file ng package mo, kasama ang PDF guide at ang mga add-on na binili mo. Nasa vault mo agad pagkatapos magbayad.
Hindi mo na kailangang ibalik ang file. Ang na-download nang file ay hindi naman talaga maibabalik, kaya sa iyo pa rin ito. Walang form na pupunan.
Ang isang exception
Kung kumuha ka ng Setup Service at sinimulan na naming i-encode ang menu mo, hindi na refundable ang bahaging iyon kapag naipadala na namin ang unang draft at tinanggap mo ito. Ang workbook mismo ay refundable pa rin.
Paano
Mag-message ka sa page na binilhan mo, gamit ang email na ginamit mo sa pagbayad, at ilagay mo ang order ref mula sa delivery email. Karaniwan, ilang araw bago mabalik ang pera depende sa bangko o e-wallet mo.
Kung may sira ang file
Kung hindi lumabas ang Swabe na menu, kung hindi bumukas ang dashboard, o may formula na hindi tumatakbo, sabihin mo sa amin. Aayusin namin at bibigyan ka ng bagong link. Hindi mo kailangang mag-refund para lang doon.