Privacy Policy

Huling update: 10 Setyembre 2026 · Swabe Spreadsheets

Ano ang kinokolekta namin

Ano ang hindi namin kinokolekta

Hindi namin nakikita at hindi namin iniimbak ang card o e-wallet details mo. Ang payment processor ang humahawak niyan nang buo. Hindi ito dumadaan sa amin.

Hindi namin binabasa ang laman ng workbook mo. Ang mga recipe at presyo na ite-type mo ay nasa device mo, hindi sa server namin. Walang upload, walang sync.

Sino ang nakakakita

Kami lang, at ang payment processor para sa bayad. Hindi namin ibinebenta, ipinapaupa, o ipinapamigay ang email mo kaninuman.

Gaano katagal

Itinatago namin ang order record mo ng isang taon para may mahanap ka kapag kailangan mong i-download ulit ang files. Kung gusto mong burahin bago pa iyon, mag-message ka lang gamit ang email na ginamit mo sa pagbili.

Cookies

Gumagamit ang site ng maliit na local storage sa browser mo para matandaan kung saan ka galing at para hindi doble ang bilang ng pagbisita. Hindi ito ginagamit para kilalanin ka bilang tao.

Contact

Mag-message ka sa page na binilhan mo, o sa email na nasa delivery email mo.